^

Police Metro

23 patay, 99 sugatan sa nakalipas na Holy Week

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management  Council (NDRRMC) na may kabuuang 23 ang nasawi habang 99 ang sugatan sa iba’t-ibang insidente na naganap noong Semana Santa.

Ayon sa NDRRMC, may kabuuang 36 na insidente ang namonitor sa Regions I,  II, III, IV-A, IV-B, V, VIII, X, XI, NCR at CAR:

Ang insidente ay kinasasangkutan ng banggaan na nagtala ng 16; 10 sa pagkalunod; anim na sunog; isang maritime incident sa Odiongan, Romblon; isang Carbon Monoxide Poisoning sa Catbalogan, Samar; isang insidente ng pagbaha sa Tagum City, Davao del Norte at isang insidente ng pamamaril sa Nagtipunan, Quirino Province.

Sinabi ng NDRRMC, ang kabuuang 23 nasawi at 99 na nasugatan ay iniulat sa pamamagitan ng monitoring sa mga insidente, habang ang 11 katao na naospital sanhi ng carbon monoxide poisoning at tatlo ang nakaligtas mula sa insidente ng pagkalunod.

Inihayag pa ng NDRRMC, na-monitor naman ng Philippine Coast Guard ang kabuuang 37,104 na outbound passengers  at 35,467 inbound passengers kahapon na may kaugnayan sa “Oplan Ligtas Biyahe: Kwaresma 2014”.

 

vuukle comment

AYON

CARBON MONOXIDE POISONING

INSIDENTE

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT

OPLAN LIGTAS BIYAHE

PHILIPPINE COAST GUARD

QUIRINO PROVINCE

REGIONS I

SEMANA SANTA

TAGUM CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with