^

Police Metro

Magkapatid na pumatay ng kainuman, sumuko

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumuko sa Manila Police District-Homicide Section ang magkapatid na itinuturong pumatay sa kainumang mekaniko nitong  nakalipas na Abril 14, sa Parola Compound, Binondo, Maynila.

Magkasunod na sumuko ang magkapatid na sina Oliver Pacquit , 34, tricycle driver at Espedito Pacquit, 30, kapwa resdiente ng  Gate 58, Area H, Parola Compound, Binondo, Maynila.

Aminado si Oliver na siya ang bumaril sa biktimang si  Patrick Baldomar, ng #0564 Area H, Parola Compound, dahil sa matagal nang alitan kaugnay sa pambabastos umano ng biktima sa kaniyang misis noong nakalipas na taon.

Nagpalamig muna siya sa lalawigan ng Quezon at naisipan nang sumuko sa pulisya sa paglipas lang ng ilang araw.

Matatandaang si Baldomar ay hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center  dahil sa 9 na balang tinamo mula sa kalibre .45 pistola.

 Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Gate 58, Area H, Parola Compound, habang nag-iinuman ang biktima at magkapatid na suspek.

Ayon sa pahayag ni  Lorjill Donesa, 33, utility man, kasama pa umano niya ang biktima na nakipag-inuman kina Lucky at Oliver  dakong alas-9:00 ng gabi at hindi pa man nakakatulog ay nakarinig ng sunod-sunod na putok at nang bumalik sa inuman ay nakitang duguan na si Baldomar at wala na sina Oliver at Espedito. Nahaharap na sa kasong murder ang magkapatid na Pacquit.

AREA H

BALDOMAR

BINONDO

ESPEDITO PACQUIT

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

GLENZOR VALLEJO

LORJILL DONESA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with