Dahil sa agimat... 10 bala tumalbog sa katawan
MANILA, Philippines - Naligtasan ng isang 35-anyos na lalaki ang kanyang kamatayan sa paniniwalang iniligtas siya ng kaniyang suot na agimat makaraan na tumalbog sa kanyang katawan ang mga bala ng shotgun mula sa hindi pa nakilalang dalaÂwang lalaki kamakalawa sa paggunita sa Semana Santa sa Brgy. Dinasan. Dalman, Zamboanga del Norte.
Ang biktima na nakaligtas sa kamatayan ay si Roland Villejo, may-asawa at residente ng nasabing lugar.
Sa ulat bandang alas-8:00 ng gabi habang nagÂlalakad ang biktima sa nasabing lugar pauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang umanong lumabas mula sa pinagtataguang damuhan ang mga suspek at pinagbabaril ng 10 beses ng homemade shotgun.
Ayon sa biktima na tumalbog ang mga bala at hindi bumaon sa kaniyang katawan dahilan sa suot umano niyang agimat na matagal na niyang iniingatan.
Sa pag-aakala naman ng mga suspek na napuruhan ang biktima ay mabilis nagsitakas ang mga ito.
Ayon sa biktima na ang nasabing agimat ay pamana umano ng kaniyang lolo na matagal na niyang iniingatan at inoorasyunan tuwing Biyernes Santo.
Duda naman ang mga otoridad sa teorya ng biktima dahil sa suot nitong agimat at posible anya na hindi asintado ang mga suspek.
- Latest