Land grabbers sa Antipolo, kalbaryo - 4K
MANILA, Philippines - Nananawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) sa National Housing Authority (NHA) at Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang sindikatong pinamumunuan ng dating opisyal ng pulisya na sangkot umano sa land grabbing sa Antipolo City, Rizal.
Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, marami nang pangulo ng homeowÂners associations at ilang opisÂyales ang pinaslang sa iba’t ibang subdibisyon sa Antipolo pero wala umanong aksiyon ang Antipolo City Police Station kahit tukoy nila ang mga hired killers na may proteksiyon ng dalawang retiradong opisyal ng PNP sa paÂngunguna ng isang alyas “Apol.â€
Wala rin umanong kibo pati ang NHA kahit isinasaayos ng homeÂowners associations ang pagsasalegal ng lupaing pag-aari ng gobyerno.
Natuklasan din ng 4K na natalo sa mga kaso hanggang Supreme Court (SC) ang mga binentahan ni alyas “Apol†ng rights sa ibat ibang lugar sa Antipolo at nabiktima niya maging ang isang retiradong heneral ng PNP.
Idinagdag pa ni Pineda, ito rin umano ang nag-recruit sa mga hired killers na nagpugad sa Antipolo para takutin ang mga lehitimong naninirahan sa mga subdibisyon sa lungsod.
- Latest