^

Police Metro

‘Suicide’ ng misis ni Ted Failon, hiniling na busisiin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinondena ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) ang kaagad na pagsasara ng kaso kaugnay ng sinasabing suicide ng asawa ng broadcaster na si Ted Failon na si Trinidad Etong na namatay noong Abril 16, 2009.

Sa pahayag ng 4K, limang taon na ang nakararaan pero marami pa ring dapat sagutin si Failon lalo ang pagpapalinis niya sa lugar ng suicide na malinaw na obstruction of justice gayundin ang kaugnayan ng negosyanteng si Delfin Lee sa kaso.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda. “Kung ang pulis na si (Gerardo) Biong, nakulong ng 15 taon sa paglilinis sa pinangyarihan ng Vizconde Massacre, bakit nakalusot si Failon o ang mga inutusan niyang kasambahay?”

Idinagdag pa ni Pineda kung ano ang kaugnayan ni Lee sa pangyayari at bakit nauna pa siyang dumating sa bahay ni Failon kaysa mga miyembro ng SOCO?

Bagamat negatibo sa paraffin test si Failon, iniulat ng NBI na negatibo rin sa pulbura si Trinidad kaya posibleng iba ang nakabaril sa biktima at dito dapat isailalim sa lie-detector test si Lee kung mu­ling bubuksan ang kaso.

May hinala ang 4K na namaniobra ang im­bestigasyon ng NBI dahil pumasok ang bala sa kanang sentido at nag-exit sa ibabang tenga ni Trinidad na imposibleng trajectory dahil kaliwete ang biktima ni hindi maikakasa ang ginamit na Walther ppk.380 caliber na matigas kalabitin.

ABRIL

AYON

DELFIN LEE

FAILON

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

RODEL PINEDA

TED FAILON

TRINIDAD ETONG

VIZCONDE MASSACRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with