^

Police Metro

AFP nagbunyi sa panalo ng Pambansang Kamao

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbunyi ang buong pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa muling ipinakitang galing  ni Pinoy Boxing champ Manny “Pacman” Pacquiao matapos na talunin sa pamamagitan ng unanimous decision si Timothy Bradley na ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Halos hindi magkamayaw sa lakas ng sigaw at hiyaw ang mga manonood sa libreng palabas ng laban ng dalawang boxing icon na ginawa sa AFP stadium nang i-anunsyo ang pagkapanalo ni Pacman laban kay Bradley.

Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP, isang malaking karangalan sa ating bansa ang muling pagkapanalo ni Manny dahil ipinakita nito na ang bawat Pinoy ay kayang bumangon sa anumang pagkakadapa, tulad ng pagbangon na ginagawa ngayon ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Pinaplano na ngayon ng AFP ang pagbibigay ng parangal sa pagbabalik sa bansa ni Pacman dahil siya ay isang army reservist ng sandatahang lakas ng Pilipinas na may ranggong Lt. Colonel.

 

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BRADLEY

GRAND GARDEN ARENA

LAS VEGAS

NAGBUNYI

PACMAN

PINOY BOXING

RAMON ZAGALA

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with