^

Police Metro

Photo competition sa Aliwan Fiesta

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naglunsad muli ang Manila Broadcasting Company ng isang photo competition kaugnay ng pagtatanghal ng Aliwan Fiesta grand parade sa ika-26 ng Abril.

Maaring gumamit ng digital o film-based na kamera. Ilagay sa 8R size ang mga lahok na de-ko­lor, na may kasamang high resolution JPG file sa CD. Dapat kuha ang litrato sa araw ng parada, na magsisimula sa Quirino Grandstand patungong Aliw Theater kung saan ito magtatapos. 

Hindi pa dapat nagwagi sa ibang kumpetisyon, ni lumabas sa anumang babasahin ang letratong ilalahok.  Lakipan ng dalawang kopya ng entry form na maaring ma-download sa  http://www.aliwanfiesta.com.ph kasama ng isang self-addressed, stamped Manila envelope.  Nasa website din ang iba pang detalye ukol sa kumpetisyon.

Dalhin kay Susan Arcega sa tanggapan ng MBC bago mag  alas-tres ng hapon sa ika-2 ng Mayo.

Mayroon ding Camfone/Tablet category kung saan maaring magpadala ng selfie o barkadahan shot kasama ang alinmang streetdance contingent. 

I-post lamang ito sa official Facebook page ng Aliwan Fiesta. Ang may pinakamaraming Likes pagdating ng May 4 ang siyang magwawagi.

P50,000 ang nakalaan sa magwawagi sa Digital/Film-based category, P25,000 sa ikalawang puwesto, at P10,000 sa third prize.  Tig-limang libo naman ang makakamit ng “Best Selfie” at “Best Barkadahan Shot”. Ang magwawaging mga litrato ay magiging pag-aari ng MBC, samantalang isasauli naman ang hindi papalaring lahok.

ABRIL

ALIW THEATER

ALIWAN FIESTA

BEST BARKADAHAN SHOT

BEST SELFIE

MANILA BROADCASTING COMPANY

QUIRINO GRANDSTAND

SUSAN ARCEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with