^

Police Metro

Palasyo inaasahan ang panalo ni Pacman

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaasa na magkakaroon ng “good news” ngayong araw na ito ang Malacañang kung mananalo sa kanyang laban si Pambansang Kamao Rep. Manny “Pacman” Pacquiao.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, katulad ng inaasahan marami ang nag-aabang sa laban ni Pacquiao at sana ay magdala ito ng “good news”.

Nakikiisa rin aniya ang Malacañang sa pagdarasal para sa panalo ni Pacquiao laban kay Timothy Bradley Jr. sa Las Vegas, Nevada.

Nasa likod din umano sila ni Pacquiao sa kanyang pagharap kay Bradley para sa karangalan ng bayan.

Maging ang mahigit 80,000 hukbo ng Philippine Army ay magbubun­yi kung ma-knockout man o hindi ni Pacquiao sa laban nito kay  Bradley Jr.

Sinabi ni Philippine Army Spokesman Lt. Col Noel Detoyato na suportado nila ang laban ni Pacman na isa sa kanilang mga reservist.

Si Pacman, isang re­servist ng Philippine Army na may ranggong Lt. Colonel ay ipinagmamalaki ng hukbo lalo na sa tuwing mananalo ito sa kaniyang laban. - Malou Escudero, Joy Cantos-

 

vuukle comment

BRADLEY JR.

COL NOEL DETOYATO

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

JOY CANTOS

LAS VEGAS

MALACA

PACQUIAO

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with