Lookout bulletin sa grupo ni Cedric Lee, tuloy pa rin
MANILA, Philippines - Nananatiling epektibo ang lookout bulletin laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pa lalo na ngayong sinampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion ng Department of Justice ang mga ito dahil sa pambubugbog sa TV host-actor na si Vhong Navarro.
Ito ang tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) at haharangin pa rin nila si Lee at mga kasamahan sakaling tangkain nitong lumabas ng bansa.
Nabatid na usap usapan na nagbalak itong lumabas ng bansa patuÂngong Dubai dahil sa naka-book ang mga ito sa Cebu Pacific Flight 5J9744.
Nakatakda sana umaÂnong umalis ng bansa si Lee dakong alas-4:00 ng hapon kahapon, subalit kinansela na din ang tiket nito.
Inilabas ng Department of Justice ang lookout bulletin noong Enero kasunod nang paghain ng kasong kriminal ni Navarro sa grupo ni Lee.
Kaugnay nito, inaasahan na rin umano ang paglabas ng arrest warrant laban sa grupo ni Lee at Cornejo pagkatapos ng unang araw nang pagdinig sa Abril 15.
Una nang pinasisipot ng korte ang magkabilang kampo matapos na tuluyan nang sampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion ang grupo ni Lee.
- Latest