^

Police Metro

Driver hindi nasagot ang tawag sa cellphone ng among konsehal, ginulpi

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gulpi sarado ang isang driver sa kanyang amo na konsehal dahil lang sa hindi nito nasagot ang tawag sa cellphone kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang biktima ay kinilalang si Antonio Poyatos, 40, ng  Kalayaan St., Barangay Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.

Inireklamo nito ang amo na si Makati City 2nd District Councilor King Yabut, anak ng da­ting mayor ng lungsod na si Nemesio I. Yabut, nakatira sa isang condominium sa Ponte St., Salcedo Village, Barangay Bel-Air.

Sa reklamo ng biktima, dakong alas-9:00 ng gabi sa kahabaan ng Jupiter St., Barangay Bel-Air ay nagmamaneho siya ng kotse nang tawagan siya ng amo sa cellphone.

Dahil sa nagmamaneho ay hindi nito nasagot ang tawag ng amo kaya’t nang sila ay magkita dito na nagalit ang among konsehal at walang kaabog-abog na siya ay pagsusuntukin at nagbanta pa na babarilin.

Nagmakaawa ang biktima sa suspek kaya’t itinigil na umano ang panununtok.

Nagtamo ang biktima ng mga pasa sa mukha, dahilan upang magpa-medical ito at pagkatapos ay nagtungo ito kahapon sa himpilan ng pulisya at nagsampa ng reklamo.

ANTONIO POYATOS

BARANGAY BEL-AIR

BARANGAY GUADALUPE NUEVO

DISTRICT COUNCILOR KING YABUT

JUPITER ST.

KALAYAAN ST.

MAKATI CITY

NEMESIO I

PONTE ST.

SALCEDO VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with