Bisor ng electric firm, tinodas
MANILA, Philippines - Isang supervisor ng electric company ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan kamakalawa sa highway ng Brgy. Switch, Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur.
Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Genifer Llanes, 41, may-asawa, Officer in Charge at Supervisor ng Zamboanga del Sur Electric Cooperative (ZAMSURECO) 1 at residente ng Brgy. Tuno, Don Victoriano, Misamis Oriental.
Ayon kay Sr. Inspector Joseph Ortega, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas- 7:13 ng umaga nang maitala ang pananambang sa biktima sa kahabaan ng highway ng Purok 2, Brgy. Switch, Ramon Magsaysay ng lalawigang ito.
Kasalukuyang lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklong Yamaha galing Molave, Zamboanga del Sur patungong substation ng ZAMSURECO upang magsagawa nang pag-iinspeksyon nang harangin at pagbabarilin ng mga suspek.
- Latest