Taas-singil sa gen charge na P0.89/kWh ngayong Abril - Meralco
MANILA, Philippines - Ngayong buwan ng Abril ay ikinasa na ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagpapatupad ng P0.89 kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil sa generation charge kasunod nang pagbibigay sa kanila ng pahintulot ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Nangangahulugan na aabot sa mahigit P170 ang posibleng itaas ng bill ng mga tahanang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan at lagpas P350 naman sa mga kumukonsumo ng 400 kWh.
Ipinaliwanag ng ERC na nakasaad sa patakaran na otomatikong ipapasa sa taumbayan ang pagtaas ng generation charge.
Anya, kahit kinuÂkwestyon sa Korte Suprema ay gumagana pa rin ang “automatic generation rate adjustment†na nangaÂngahulugang ipapasa
nang buo at agad-agad sa konsyumer ang anumang dagdag-singil kahit walang hearing at hindi rin umano nila inirekomenda na utay-utayin pa ang taas-singil.
- Latest