RH law idineklarang legal ng SC
MANILA, Philippines - Idineklarang legal ng Supreme Court en banc ang Reproductive Health Law o Republic Act No. 10354 (Responsible ParentÂhood and Reproductive Health (RH) Act of 2012) sa naganap na botohan sa en banc session sa Korte Suprema sa Baguio City kahapon.
Nanaig sa mayorya ng mga mahistrado ang pagsang-ayon sa bahagi ng ponencia ni AssoÂciate Justice Jose Catral Mendoza.
Gayunman nasa walong probisyon ng nasabing batas at ng implementing rules and regulation nito ang idineklarang ‘unconstitutional’ at partikular dito ang mga sumusunod:
- Bahagi ng Section 7 (Access to Family Planning) na nagsasabing hindi obligado ang mga ospital na pinatatakbo ng mga religious group na magbigay ng modernong family planning method, pero kinakailangan na i-refer ng nasabing ospital ang pasyente sa isa pang health facility.
- Pati na ang bahagi ng Section 7 na nagsasabing pinapayagan ang mga menor de edad na nagkaanak na o di kaya ay nabuntis pero nakunan na magkaroon ng access sa modernong paraan ng family planning kahit walang written consent o permiso ng kanyang mga magulang o guardian.
Gayundin ang ilang bahagi ng Section 23 na tumatalakay sa Prohibited Acts o mga ipinagbaba- wal sa ilalim ng RH Law.
- Section 23-A-1 o ang probisyon na nagpaparusa sa mga health care service provider na tatanggi o mabibigong magpakalat ng impormasyon hinggil sa RH service kahit pa batay sa kanyang religious belief;
- Pati na ang Section 23-A-2-i na nagbibigay permiso sa isang may-asawa na sumailalim sa RH procedure kahit walang consent ng kanyang asawa;
- Section 23-a-3, nag-oobliga sa mga healthcare provider na tatangging magbigay ng RH service batay sa kanyang ethical o religious beliefs na magrefer ng pasyente sa isa pang health worker.
- Section 23-b na nagpaparusa sa mga public officer na magbabawal o maglilimita sa pagkakaloob ng RH service at tatangging maglaan ng pondo para sa RH service.
- Bahagi ng - Section 17 na nagtatakda na prerequisite sa Philhealth accreditation ng mga health care service provider ang pagkakaloob ng 48 oras kada taon na pro bono RH service sa mga mahihirap na pasyente.
- Section 3.01 (a) at (j) ng IRR ng RH Law, partikular na ang paggamit ng salitang “primarily†sa probisyon na tumutukoy sa kahulugan ng abortifacient dahil ito ay taliwas umano sa itinatakda ng Section 4-a ng RH Law at lumalabag din sa Section 12 ng Article 2 ng Konstitusyon.
- Section 23-a-2-ii na nagpaparusa sa mga health service provider na mag-oobliga ng parental consent sa mga menor de edad na wala naman sa emergency o serious situations.
Ilan sa mga mahistrado ay naglabas ng kani-kanilang concurring at dissenting opiÂnion kabilang na sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Justices Antonio Carpio, Teresita De Castro, Arturo Brion, Mariano del Castillo, Roberto Abad, Bienvenido Reyes, Estela Perlas Bernabe at Marvic Leonen.
- Latest