Karnaper timbog
MANILA, Philippines - Kasong kriminal ang kinakaharap ngayon ng isang umano’y miyembro ng sindikato ng carnapping nang maaresto ng pulisya kaugnay sa pagtangay ng motorsiklo na nakuha sa hideout nito sa Caloocan City.
Ang suspect na si Elmer Constantino, 26, tricycle driver, residente ng Phase 1 Package 2 Block 8 Lot 9 Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan City ay naaresto matapos na magsagawa ng raid ang pulisya sa kuta ng mga ito sa Phase 12 Brgy 188 Tala, Caloocan City.
Nakuha rito ang motorsiklo ng biktimang si Alexander Meneses, residente ng Phase 3, Bagong Silang, at isang Suzuki skydrive scooÂter na nakapangalan sa isang Adelyn Nuñez ng Camarin, Caloocan; dalawang videokarera machine at isang kalibre .45 na baril.
Sa ulat ng pulisya, noong Abril 3, si MeÂneses ay lulan ng Yamaha Mio Sporty nang parahin siya ng suspect kasama ang isang alyas Gilbert.
Ayon sa biktima, tinakot siya ni Gilbert na siya ay bubugbugin kung hindi ibibigay ang kanyang motor. Wala naman nagawa ang biktima, kaya kinuha ng mga suspects ang nasabing motor na minaneho palayo ni Constantino.
Mabilis naman na nagsuplong sa pulisya si Meneses kaya nagsagawa ng operasyon ang pulisya.
- Latest