^

Police Metro

2 Lalaki patay sa tren

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - DALAWANG lalaki ang kapwa patay, kabilang ang isang emple­yado ng Department of Energy (DOE)  matapos na masagasaan ng tren sa magkahiwalay na insidente sa Maynila, kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.

Unang insidente ang pagkakahagip ng tren at kagyat na ikinamatay ng biktimang si Ricardo Balanque, 47, residente  ng no.1931 Macopa st., kahilum 1, Pandacan, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Gene Reyes ng Manila Traffic Enforcement Unit, dakong alas 6:30 ng gabi nang makitang nag­lalakad sa tabi ng riles ang biktimang si Balan­que sa bahagi ng President Quirino avenue, sa Paco nang mahagip ng tren at masagasaan.

Samantalang, ang ikalawang insidente naman ay naganap alas 8:30 ng umaga sa G. Tuazon st., Sampaloc, Maynila.

Tumatawid umano si  Jordan de Jesus, 21, empleyado ng DOE at residente ng no.960 Valdez st., Sampaloc, Maynila sa riles na hindi naman umano dapat tawiran ng tao, nang abutan ng magkasalubong na tren o pa-southbound at pa-northbound.

Sa ulat ni  SPO2 Rey Fernandez ng  MTEU, nagkagutay-gutay at hiwa-hiwalay ang mga bahagi ng katawan ni De Jesus at hindi na makilala ang hitsura.

BALAN

DE JESUS

DEPARTMENT OF ENERGY

GENE REYES

MANILA TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MAYNILA

REY FERNANDEZ

RICARDO BALANQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with