HLURB pinasok ng kawatan
MANILA, Philippines - Hindi pinatawad ng mga kawatan ang tanggapan ng House and Land Use Regulatory Board (HLURB), matapos na pasukin at tangayin ang mga mahalaÂgang kagamitan ng mga kawani nito, ayon sa pulisya kahapon.
Ang abogadong si Lorina Rigor, arbiter ay personal na naghain ng reklamo sa Anonas Police Station nang matangayan ng Toshiba laptop na nagkakahalaga ng 100,000 habang hindi pa batid ang halaga ng mga nawalang kagamitan sa ibang empleyado.
Malaki rin ang pagtataka ng pulisya kung bakit napasok pa ito ng mga kawatan, dahil ang compound ng HLURB ay may mga guwardiya at may mga surveillance camera.
Nadiskubre ang panloloob dakong alas 12:30 ng tanghali ng nagpapatrulyang security guard at makitang bahagyang nakabukas ang pintuan ng adjudication building at nang kanyang tingnan ang loob nito ay nagkalat na ang mga mesa at iba pang mga gamit dito.
Nakuha naman sa CCTV na dakong ala 1:33 ng madaling araw ang pag-akyat sa pader ng isang hindi nakikilalang lalaki sa nasabing compound kung saan ito ang hinihinalang responsible sa pagnanakaw.
Pinayuhan naman ng pulisya ang pamunuan ng HLURB na magkaroon ng taong nagmo-monitor sa kanilang CCTV.
- Latest