^

Police Metro

Sinumpong ng topak... 2 bata pinugutan ng ginang

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga bago pinugutan ng ulo ng isang ina ang sariling anak na babae at apo sa pamangkin naganap kamakalawa sa isang liblib na barangay sa Cauayan, Negros Occidental na kung saan ang ginang ay napatay din ng ama ng huli.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:00 ng hapon ay nagtungo ang suspek na si Perlita Sagmon, kasama ang 2-anyos na anak na babae sa bahay ng pamangkin na si Lea Montilla sa Purok 3, Brgy. Baclao ng nasabing bayan para makikain.

Subalit, ilang sandali ay bigla na lamang nagsisigaw ang suspek at   dinaluhong ng saksak sa likod si Lea na nailagan naman hanggang sa   nagpambuno.

Nagawang makatakbo ni Lea palabas ng kanilang bahay at naiwan ang kanyang anak na 1-anyos na tinukoy lamang sa palayaw na Totoy.

Pagkalabas ni Lea ay dito na pinagtataga ng suspek ang 2-anyos na anak at hindi pa nakuntento ay pinugutan ng ulo.

Nang mapatay ang anak ay binalingan nito ang apo sa pamangkin na pinagtataga rin bago tinagpas ang ulo.

Nakahingi ng tulong si Lea sa asawang si Rodney na bitbit ang airgun na napahangos sa kanilang bahay at laking gulat nang maabutan na patay at pugot na ang ulo ng dalawang bata.

Sa tindi ng galit ni Rodney ay pinagtataga rin nito ang suspek sa leeg hanggang sa mapatay ang nababaliw umanong ginang.

Isinailalim sa kustodiya ng pulisya si Rodney para sa isasagawang im­bestigasyon.

vuukle comment

BACLAO

BRGY

CAUAYAN

ISINAILALIM

LEA MONTILLA

NAGAWANG

NAKAHINGI

NEGROS OCCIDENTAL

PERLITA SAGMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with