^

Police Metro

Lily’s Peanut Butter, ipinababawi sa merkado

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano na may mataas na level ng aflatoxins kung kaya’t iniutos  ng Department of Health (DOH) ang pagpapabawi sa merkado ng ilang produkto ng Newborn Food Products Inc., partikular na ang Lily’s Peanut Butter.

Nabatid na ang Lily’s Peanut Butter na 170 grams at nasa ilalim ng Lot No. A1-1026 at may expiration date na May 23, 2014 ay may mataas na level ng aflatoxins kaya dapat itong bawiin.

Ang aflatoxins ay maaaring makapagdulot ng sakit sa atay na itinuturing na carcinogenic lalo kapag mataas ang lebel nito.

Bunga rin ito ng amag na tumutubo sa mani kaya’t hindi umano ligtas na kainin ang mga palaman sa tinapay.

Nilinaw naman ng kagawaran na ang naturang produkto lang ang ipinare-recall at hindi ang ibang produktong peanut butter.

AFLATOXINS

BUNGA

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

LOT NO

NABATID

NEWBORN FOOD PRODUCTS INC

NILINAW

PEANUT BUTTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with