^

Police Metro

Pagkatapos kay Napoles... Freeze order sa bank accounts at assets nina JPE, Bong at Jinggoy isusunod na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isusunod na ang pag-freeze sa mga assets at bank accounts nina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr., at  Jinggoy Estrada.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de  Lima dahil sa tinatrabaho na ito ng   Anti-Money Laundering Council (AMLC), subalit hindi niya anya maaaring ibul­gar ang estratehiya at proseso ng AMLC para sa kinakaharap na kaso ng  tatlong senador na sabit sa plunder at graft.

Tanging sinigurado ni De Lima na ang pagbawi sa assets ng tatlong senador na nasa ilalim ng Inter-Agency Graft Coordinating Council (IAGCC).

Magugunita na inirekomenda kamakailan ng  Office of the Ombudsman  ang  pagsasampa ng kasong graft at plunder  laban sa tatlong  senador at mga personalidad na  sabit sa Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF)  o pork barrel scam.

Nagkamal umano si Enrile ng P172 mil­yon; P242 milyon, si Revilla at P183 milyon si Estrada na mula umano sa illegal kickbacks ng pork scam.

Pito rin umano ang kinasuhan kabilang na ang negosyanteng si Janet Lim Napoles na sentro ngayon ng corruption scandal  dahil sa “pork barrel” funds  gamit ang  pekeng  non-government organizations (NGOs).

Magugunita na noong Huwebes ay naglabas ang  Manila Regional Trial Court  ng  Asset Preservation Order (APO)  sa mga bank account, sasakyan, at iba pang ari-arian ni Napoles gayundin ang kanyang pamilya at iba pang sangkot.

 

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

ASSET PRESERVATION ORDER

ASSISTANCE FUND

DE LIMA

INTER-AGENCY GRAFT COORDINATING COUNCIL

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SECRETARY LEILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with