^

Police Metro

Sekyu sabog ang ulo sa sariling baril

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang sekyu matapos na aksidenteng pumutok ang pinaglalaruang baril  na naganap kamakalawa sa East Bajac-Bajac, Olongapo City.

Ang biktima na nasawi dahil sa pagtama ng bala sa leeg na tumagos sa kanyang ulo ay kinilalang si  Richard Corpido, 40, ng Barangay Gordon Heights, ng lungsod.

Sa salaysay sa pulisya ng isang saksi, dakong ala-1:10 ng tanghali ay nakita niya ang biktima na  pinaglalaruan ang service firearm na kalibre 38 habang naka-duty sa harap ng Choas Grocery sa nasabing lugar.

Pabirong nitong itinutok ng biktima ang baril sa leeg habang nagpapakitang gilas sa mga nagtitinda sa labas ng grocery nang aksidenteng nakalabit ang gatilyo at pumutok na kanyang ikinasawi.

 

vuukle comment

AKSIDENTENG

BARANGAY GORDON HEIGHTS

BIKTIMA

CHOAS GROCERY

EAST BAJAC-BAJAC

NAMATAY

OLONGAPO CITY

PABIRONG

RICHARD CORPIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with