Bangkay ng lalaki lumutang sa estero
MANILA, Philippines - Palutang-lutang sa estero ang bangkay ng isang lalaki na pinaniniwalaang sinalvage ang natagpuan sa Estero de San Miguel, Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.
Ang buong ulo at mga kamay ay nababalutan ng packaging tape ng hindi pa kilalang biktima na ang taas ay nasa 5’7â€, katamtaman ang pangaÂngatawan, may tattoo na mukha ni Mama Mary sa dibdib, may tribal tattoo sa kanang braso, nakasuot ng gray na sando at checkeres na shortpants.
Sa ulat dakong alas 7:45 ng umaga nang makita ang lumulutang na bangkay ng isang menor- de-edad habang siya ay nasa bintana ng ikalawang palapag ng isang gusali.
Hindi umano kilala ang biktima sa lugar kaya posibleng sa ibang lugar ito pinatay at itinapon sa estero o dayo lamang.
- Latest