Arraignment kay ex-CJ Corona, sinuspinde
MANILA, Philippines - Dahil sa may naka-pending pang resolusyon sa DOJ sa katulad na kasong tax evasion ay ipinagpaÂliban kahapon ng Court of Tax Appeals ang pagbasa nang sakdal sa napatalsik na si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Naitakda ang arraignment ni Corona sa Hunyo 4 ganap na alas -9:00 ng umaga.
Nag-ugat ang kaso ni Corona sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagsasabing nabigo ang una na mag-file ng kanyang income tax returns sa loob ng anim na taon mula taong 2003 hanggang 2010.
Naglagak naman ng piyansa si Corona ng halagang P120,000 para sa kanyang 12 counts ng tax evasion case.
Si Corona ay kinasuhan ng BIR matapos mapatalsik sa tungkulin noong Disyembre 12, 2011.
- Latest