^

Police Metro

Ex-PBA player, 1 pa utas sa SLEX

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang dating Philippine Basketball Association (PBA) player Bryan Gahol, 36 at kasamang babae ang nasawi sa karambola ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX), Alabang, Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Parañaque Medical Center si  Gahol at ang kasama nitong babae na kinilalang si Rosemarie Calara, nasa hustong gulang at  kapwa residente ng Dimasupil St., Barangay Timogan, Los Baños, Laguna.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ay lulan si Gahol ng Nissan Urvan (ZFK-893) patungong Quezon City kasama ang apat na iba nang  masalpok sila ng  cargo jeep (VRB-364) na may kargang sibuyas mula San Jose, Occidental Mindoro na minamaneho ng isang Alfredo Abe, 42.

Hindi nakontrol ng driver ang preno kung kaya’t nabangga nito ang  tractor head ((UOS-772) na minamaneho ni Felix Moztaza, 36, ng Zone 8, Barangay Pangao, Lipa City.

Muling kumabig  ang cargo jeep  sa kaliwa kaya’t tinamaan naman nito uli ang sa left inner lane ang Nissan Urvan na  sakay ng mga nasawing biktima.

Napag-alaman na galing Laguna sina Gahol at mga kasama nito at  patungo sanang Commonwealth,   Quezon City  para dumalo sa isang lamayan.

Ang 6’4” na si Gahol ay pinili na ikaapat na overall noong 1999 sa PBA draft ng  Mobiline Phone Pals (na ngayon ay  Talk ‘N Text Tropang Texters).

Pagkatapos ay naging player din ito ng Alaska, San Miguel Beer at  Red Bull bago natapos ang kanyang career noong 2006.

Pumasok si  Gahol sa pulitika at naging konsehal ng Los Baños, Laguna noong 2010 at nang muling tumakbo noong 2013 ay natalo ito.

ALFREDO ABE

BARANGAY PANGAO

BARANGAY TIMOGAN

BRYAN GAHOL

GAHOL

LOS BA

NISSAN URVAN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with