^

Police Metro

Enrile, Bong, Jinggoy at Napoles swak sa plunder at graft

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inirekomenda kahapon ng Office of the Ombudsman   na kasuhan ng  plunder at  graft  sa Sandiganbayan ang tatlong Senador na sina Juan Ponce-Enrile, Bong Revilla, Jinggoy Estrada at ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay ng kontrobersiyal na  pork barrel scam.

Binigyang diin ni Assistant Ombudsman Asyrman Rafanan na  nakakita ang Ombudsman ng probable cause  para sampahan ng naturang mga kaso matapos umanoy gamitin ng mga ito ang kapangyarihan at magsabwatan  para umano lusta­yin ang pera ng bayan.

Gayunman, sinabi ni Rafanan na hindi naman agad  maisasampa ang naturang kaso laban sa mga nabanggit dahil bibigyan pa ng pagkakataon ang mga ito na magbigay ng kasagutan hinggil sa rekomendasyon ng Ombudsman.

Limang araw na palugit ang ibinibigay  sa mga respondent para sagutin ang naturang rekomendasyon.

Samantala, nagpa­labas din ng rekomendasyon ang Senate Blue Ribbon committee na kasuhan ng plunder ang mga nabanggit na mga senador.

Batay sa mga dokumento, sinasabing si Estrada ay naglaan ng pondo sa pekeng non-governmental organizations (NGO) ni Napoles na Social Development Program for Farmers at National Agri Business Corporation.

Si Enrile naman ay sa Agri-economic program for farmers foundation Inc., Agrikultura para sa Magbubukid, Agri and Economic Program for Farmers Foundation, at Countrywide Agri and Rural Economic Deve­lopment Foundations Inc. (CARED).

Habang si Revilla ay gumamit diumano ng NGO ni Napoles na Agrikultura para sa Magbubukid Foundation Inc., Social Development Program for Farmers Foundation Inc., Agri economic Program for Farmers Foundations, Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundations, National Agribusiness Corporation, Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundations Inc., at Agrikultura Para sa Magbubukid foundation Inc., Philippine Social Dev’t Foundation Inc., at Social Development Program for Farmers Foundation Inc.

Sa mga susunod na araw naman ay ilalabas na rin ng Ombudsman ang rekomendasyon nito  laban sa ilan pang mga mambabatas at perso­nalidad na second batch na  nasampahan ng kasong plunder  dahil din sa pork scam. - Angie dela Cruz, Malou Escudero-

AGRI

AGRI AND ECONOMIC PROGRAM

FARMERS FOUNDATION INC

INC

MASAGANANG ANI PARA

PARA

SOCIAL DEVELOPMENT PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with