^

Police Metro

MM at Cavite area tatlong araw na mawawalan ng tubig sa Semana Santa

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng anunsiyo ang Maynilad Waters na mawawalan ng tatlong araw na suplay ng tubig sa panahon ng Semana Santa ang ilang lugar sa Metro Manila at Cavite area.

Mawawalan ng tubig mula Abril 16 hanggang Abril 19 ang Makati, Malabon, Manila, Navotas, Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at South Caloocan; ilang bahagi ng Imus, Kawit, Bacoor, Cavite City at Noveleta sa lalawigan ng Cavite.

Sinabi ng Maynilad na ang pagkawala ng suplay ng tubig ay sanhi ng gagawing interceptor drainage box culvert ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa may Blumentritt St., Maynila.

Tatama ang flood control project na ito sa linya ng tubig ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa may Juan Luna St. at Hermosa St. kaya kinakailangang ilihis (realign) ng Maynilad ang linya nito upang solosyunan ang madalas na pagbaha sa Maynila.

Magbubukas ng apat na deepwell ang Maynilad para maserbisyuhan ang mga residente ng mga apektadong lugar at mayroon 60 water tanker din ang nakahanda para hatiran ng tubig ang mga lugar na makakaranas ng tatlong araw na pagkawala ng tubig.

 

ABRIL

BLUMENTRITT ST.

CAVITE

CAVITE CITY

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

HERMOSA ST.

JUAN LUNA ST.

MAYNILAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with