Init lalong titindi - PAGASA
MANILA, Philippines - Nagpaalala ang Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko na palagiang magdadala ng inuming tubig at mga pananggalang sa init ng araw tulad ng payong upang makaiwas sa mga epekÂtong dala ng panahon ng tag-init tulad ng heatstroke, sore eyes, asthma at iba pang respiratory illnesses gayundin ng mga sakit sa balat tulad ng bulutong, bungang araw at iba pa.
Sinabi ni Connie Dadivas, weather forecaster ng PAGASA na inaasahang patuloy na pagtaas ng temperatura sa bansa kasama ang Metro Manila.
Naitala kahapon sa Metro Manila ang 34°C na init ng temperatura, samantalang 35 °C ang temperatura sa Tuguegarao, Cagayan at 24°C naman sa Baguio.
Kailangang anya na mag-ingat sa kalusugan ang publiko dahil sa posible pang pag-init ng panahon sa bansa na maaaring abutin pa ng 36°C ang temperature sa susunod na buwan ng Abril sa Metro Manila at mas mataas pa rito sa Tuguegarao.
Tuluyan na anyang umalis ang amihan sa bansa at napalitan ng hangin na mula sa silangan sa may Dagat Pasipiko o easterlies kayat matindi ang init ng panahon na napupunta sa bansa at posibleng abutin pa ng hanggang sa mga unang linggo ng buwan ng Hunyo ang panahon ng tag init.
- Latest