Cedric Lee kinasuhan ng P194-M tax evasion
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng BureÂau of Internal Revenue ang negosyanteng si Cedric Lee, kanyang kumpanya at iba pa dahil sa umano’y hindi tamang pagbabayad ng buwis.
Bukod kay Lee ay kinasuhan din ang kumpanya nito na Izumo Contractors Inc., chief opeÂrating officer John King at chief financial officer Judy Gutierrez Lee dahil sa umano’y hindi tamang annual income tax return noong 2006 hanggang 2009 na aabot sa P194 milyon.
Ayon sa BIR lumabag ang mga respondent sa Section 254 at 255, in relation to Section 253(dl) and 256 of the amended National Internal ReveÂnue Code of 1997.
Ayon sa BIR na nakatanggap sila ng “confidential information†na ang Izumo Contractors ay hindi na-settle ang kanilang tax liabilities at pagkalipas ng preliminary investigation ay napatunayan na may “prima facie†sa kasong pandaraya.
Sa sertipikasyon na nakuha ng BIR mula sa mga kliyente ng Izumo Contractor ay natuklasan na ang kumpanya ay kumita ng P302.63 milyon mula 2006 hanggang 2009.
Ilan sa naging kliyente ay mga local government ng Butuan, San Juan City, Pasay City, Davao del Sur, at Tagudin, Ilocos Sur.
Idinagdag pa ng BIR na idineklara lang ng kumpanÂya na kumita lamang sila ng P76.22 milyon mula 2006 hanggang 2009.
Magugunita na si Lee ay sangkot sa pambubugbog kay TV host/actor Vhong Navarro sa loob ng condominium unit ng Forbeswood Heights, Taguig City.
- Latest