Sunog sa Mt. Banahaw tapos na
MANILA, Philippines - Naapula na rin matapos ang mahigit 24 oras na sunog sa Mt. Banahaw na puminsala sa 50 hektaryang bahagi ng bundok habang patuloy pa ring pinaghaÂhanap ang 6 na nawawalang namamanata na miyembro ng isang religious group.
Sinabi ni Dr. Henry Buzar ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nakatulong ng malaki sa pag-apula sa forest fire ang pagbuhos ng ulan nitong Huwebes ng gabi.
Magugunita na nag-umpisang sumiklab ang sunog dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkules sa bayan ng Sariaya na hinihinalang mula sa naiwang nakasinding kandila ng ilang mamamanata na illegal na umakyat sa bundok.
- Latest