^

Police Metro

Mt. Banahaw nilamon ng apoy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umpisa pa noong Miyerkules ng gabi hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang paglamon ng apoy sa 50 hektaryang Mount Banahaw.

Sa ulat, ang sunog ay malapit sa tuktok ng Mount Banahaw na nag-umpisa dakong alas-6:00 ng gabi noong Miyerkules sa bahagi ng bayan ng Sariaya na nasasakupan nito.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng beripikasyon ang mga otoridad kung may mga mountaineers na na-trap sa Mt. Banahaw habang patuloy itong nilalamon ng apoy hanggang kahapon.

Nabatid sa ulat na may isang grupo na tinatayang nasa 20 katao mula sa isang sekta ng relihiyon na umakyat sa nasabing dinarayong bundok ang nakaiwan umano ng sinindihang kandila na pinaniniwalaang siyang pinagmulan ng sunog.

Ang sunog ay mabilis na kumalat sa Durungawan 1 kung saan  matatanaw mula rito ang 1,900 talampakang taas ng aktibong bulkan.

Nagpadala na ng mga firetrucks ang lokal na pamahalaan sa komunidad na kinaroroonan ng nasa 100 kabahayan sa ibaba ng naturang bundok upang maagapan sakali’t umabot sa kanila ang sunog.

Ayon sa mga opis­yal na may 10 taon ng hindi nila pinaakyatan ang nasabing bundok upang maipreserba ang kalikasan nito pero may mga tao o grupong pumupuslit at nagka-camping dito.

Nagpadala na rin ang Philippine Air Force (PAF) ng tatlong helicopter na may dalang mga tubig upang tumulong sa pag-apula sa nasabing sunog na nagpapatuloy hanggang sa sinusulat ang balitang ito.

 

AYON

DURUNGAWAN

KASALUKUYAN

MIYERKULES

MOUNT BANAHAW

MT. BANAHAW

NAGPADALA

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with