PhilPost naglabas ng Pope Francis stamps
MANILA, Philippines - Maglalabas ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) ng limited edition stamps ng larawan ni Pope Francis para sa kanyang unang taon ng pamumuno bilang lider ng Simbahang Katolika.
Ayon sa PhilPost, iluÂlunsad sa iba’t ibang tanggapan nito ang 2014 Joint Stamp issue sa pagitan ng Vatican City at Pilipinas.
Balak naman ni Postmaster General Josie Dela Cruz na ipakita ang diÂsenyo sa Holy See kasabay ng corridor marketing campaign ng PhilPost sa Roma sa Abril.
Maglalabas din aniya ang Vatican Postal AdmiÂnistration ng stamp na may kaparehong disenyo sa Marso 21.
Nagkakahalaga ng P40.00 ang bawat isa sa 90,000 limited edition ng “Pope Francis Year II, Joint Issue between the Philippines and Vatican Cityâ€.
- Latest