Media off limits sa crime scene
MANILA, Philippines - Upang hindi umano mabalam ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ay hindi na umano papayagan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga mediamen na pumasok sa crime scene.
Ito ang bagong direktiba ni PNP chief director Alan Purisima sa ipapatupad nila sa mga isinasagawang police operational procedure sa mga nangyayaring krimen sa bansa.
Hihigpitan din anya nila ang police line at hindi na papayagan ang mga mediamen na makalusot upang para hindi masira ang crime scene at mapanatili ang kridibilidad ng imbestigasyon.
Una nang nagbigay ng direktiba si Purisima sa mga media na nagbabawal na kausapin ang mga imbestigador upang maiwasan anya ang mga ito na makapagbigay ng sarili nilang opinyon na posibleng maka-apekto sa imbestigasyon.
- Latest