^

Police Metro

8 Coast Guard kinasuhan sa pagkamatay ng Taiwanese fisherman

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walong miyembro  ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kinasuhan ng homicide kaugnay ng pamamaril sa mga ma­ngingisdang Taiwa­nese sa Balintang Channel na ikinasawi ng isa sa mga ito.

Sa 79-pahinang resolusyon ng DOJ na aprubado ni Prosecutor General Claro Arellano, kinilala ang mga  pinakakasuhan na sina Commanding Officer Arnold Enriquez Dela Cruz, Seaman First Class Ebrando Quiapo Aguila, Seaman First Class Mhelvin Aguilar Bendo II, Seaman First Class Andy Gibb Ronario Golfo, Seaman First Class Henry Baco Solomon, Seaman 1st Class Sunny Galang Masangcag, Seaman Se­cond Class Nicky Renold Aurelio, at Petty Officer 2 Richard Fernandez Corpuz. 

Sinampahan din ng kasong obstruction of justice sina Dela Cruz at Bendo kaugnay ng umano’y pekeng report na isinumite ng mga ito.

Matatandaang Mayo 9, 2013 nang mabaril ng mga miyembro ng Coast Guard ang ilang mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel na ikinasawi ni Hung Shih-Cheng. 
Tumaas ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan bunsod ng nangyaring pamamaril na nagbunsod para magpatupad ang Taipei ng ilang sanction gaya ng ban sa mga manggagawang Pilipino.

Ang kasong homicide ay ihahain sa Regional Trial Court sa Batanes habang ang obstruction of justice naman ay ihahain sa Municipal Trial Court ng Cagayan.

BALINTANG CHANNEL

CLASS NICKY RENOLD AURELIO

CLASS SUNNY GALANG MASANGCAG

COAST GUARD

COMMANDING OFFICER ARNOLD ENRIQUEZ DELA CRUZ

DELA CRUZ

HUNG SHIH-CHENG

MATATANDAANG MAYO

MUNICIPAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with