‘Pang-aabor’ kay Lee, kinumpirma
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng isang housing official na totoo na may ma-impluwensiyang tao ang kumikilos upang mapalaya ang kontrobersyal na real estate magnate na si Delfin Lee na nahaharap sa P6.6 billion syndicated estafa.
Sa report ni Assistant Secretary Daniel Subido kay Vice President Jejomar Binay at sa Home Mutal DeveÂlopment Fund (Pag-IBIG Fund), sinabi nito na kinokonsidera ng Philippine National Police na pakawalan si Lee kasunod ng kanyang pagkakadakip nitong nakalipas na linggo dahil sa ipinakitang mga representasyon ng kampo ng nasabing negosyante.
Aniya, malinaw umano na may maiimpluwensyang mga tao ang nagtatrabaho upang tuluyang mapalaya si Lee at maalis sa listahan ng Warrant of Arrest Information System at i-pressure ang PNP na palayain ito sa kabila ng balidong arrest warrant.
Si Subido ang tumatayong secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), na pinamumunuan ni Binay bilang chairman at chairman of the Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Sa kuwento ni Subido, agad siyang pinapunta noon ni Binay sa Camp Crame kasunod ng pagkaka-aresto ng mga operatiba ng PNP-Task Force Tugis sa presidente ng Globe Asiatique na si Lee upang matiyak na maia-aplay ang “rule of law†at iba pang proseso sa pag-aresto at pagkulong matapos na makatanggap ng ulat si Binay na may nagpi-pressure sa mga PNP officials na pakawalan ang huli.
Ipinaliwanag ni Subido at binigyan ng katiyakan ang PNP na balido pa rin ang naturang arrest warrant dahil sa ang Regional trial Court sa Pampanga lamang na nag-isyu ng warrant ang siyang maaaring mag-quash, mag-recall at mag-lift ng arrest warrant.
Sinabi pa ni Subido na kinumpirma rin sa kanya ni P/Sr. Supt. Conrad Capa, pinuno ng Task Force Tugis, na beniripika muna ng task force sa Pampanga RTC na nananatiling valid at existing ang nasabing arrest warrant laban kay Lee sa kabila ng kautusan ng Court of Appeals (CA) na may petsang Nobyembre 7, 2013 na ito’y na-quashed, recalled, at lifted na.
Iginiit ni Subido na walang awtoridad ang PNP o sa anumang diskresyon na mag-desisyon ito sa validity ng warrant laban kay Lee kundi magmumula lamang ang desisyon sa korte.
Magugunita na nagpakita ng certification, memo at mga sulat letters ang kampo ni Lee na nagpapakita na ma-delist na ang huli sa PNP database of outstanding arrest warrants at inutos na itigil ang implementasyon ng arrest warrant kay Lee.
Dahil sa pagkaka-aresto kay Lee, inirekomenda ng HUDCC deputy secretary general na mabigyan ng komendasyon si Capa at Task Force Tugis dahil sa integridad at pagtatrabaho upang maaresto si Lee sa kabila ng pressure ng umano’y mga maimpluÂwensyang tao.
Nitong Miyerkules, pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang warrant of arrest laban kay Lee na nagbabasura sa naunang desisyon ng CA na nag-aatas na ibasura ang arrest warrant na inisyo ng RTC Pampanga.
- Latest