^

Police Metro

PMA cadet Cudia hindi na makakasama sa graduation ngayon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit patawarin pa ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III si Cadet Aldrin Jeff Cudia sa kasong pag­labag sa Honor Code ay hindi na makakasama ito sa mga magsisipagtapos  na mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class 2014 ngayong araw.

Sinabi ni Col. Rosano Briguez, Commandant ng Cadet Corps na ibinasura na ng Cadet Review and Appeals Board (CRAB) ang isinumiteng apela ng kampo ni Cudia na makahabol sa graduation ceremony matapos na muling buksan ang imbestigasyon.

 Ayon kay Briguez, kulang pa sa rekisitos si Cudia tulad ng On the Job Training (OJT) sa Naval Training School sa Zambales na natapos na noon pang Pebrero 20 hanggang Marso 2 na kabilang sa rekisitos ng mga magsisipagtapos na kadete.

Kulang pa rin si Cudia sa mga rekisitos nito sa kaniyang ‘academics subject’ matapos na malagay sa Holding Center habang iniimbestigahan ang paglabag nito sa Honor Committee.

Kung patawarin man ni Pangulong Aquino bilang Commander in Chief si Cudia ay sa susunod na taon na ito  makakagradweyt  kasabay ng PMA  Class 2015.

Una nang umapela ang kampo ni Cudia sa tulong ni Public Attorneys Office (PAO) Chief Atty. Percida Acosta sa PMA na muling buksan ang imbestigasyon sa kaso matapos namang irekomenda ng Honor Committee at pagtibayin ng CRAB ang pagpapatalsik dito sa akademya.

Umaabot sa 223 ang magsisipagtapos na kadete sa ilalim ng PMA Siklab Diwa Class 2014  na kinabibilangan ng 19 babaeng kadete habang 204 naman ang lalaki at si Cudia ang dapat na No. 2 o salutatorian bilang Class Baron sa kanilang klase  at top sa Navy Class kung hindi ito nalagay sa nasabing sitwasyon.

 

CADET ALDRIN JEFF CUDIA

CADET CORPS

CADET REVIEW AND APPEALS BOARD

CHIEF ATTY

CLASS BARON

CUDIA

HOLDING CENTER

HONOR COMMITTEE

SIKLAB DIWA CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with