Pulis kulong ng 30 taon sa pagpatay ng binatilyo
MANILA, Philippines - Tatlumpung taon na pagkabilanggo ang inihatol ng QC Court sa isang pulis-QC matapos mapatunayang guilty sa kasong pagpatay sa 17-anyos na binatilyo may 12 taon na ang nakalilipas.
Bukod sa hatol ay pinagbabayad din ni QC RTC Branch 102 Judge Ma. Lourdes Giron ang akusadong si SPO1 Geronimo Cestina na nooy nakatalaga sa station 4 ng QC Police district ng P50,000 bilang civil indemnity, P44,058 bilang actual damages, P50,000 bilang moral damages at P30,000 bilang exemplary damages para sa mga naulila ng biktimang si Eduardo Riguer Jr. noong March 10, 2002.
Si Cestina ay positibong itinuro ng complainant na si Gina Riguer, nanay ng biktima na siyang bumaril at pumatay sa kanyang anak.
Batay sa record noong March 10, 2002, sinabi ng saksi na isang Javie Gardon na matapos na siya ay nakawan ang kanyang bag ng hindi kilalang mga suspek, isang FX ang huminto sa tapat niya at pinasakay siya ni SPO1 Cestina at nagsabing hahabulin nila ang mga kawatan.
Habang nasa kahabaan ng Ilang-Ilang Street ay binangga ni SPO1 Cestina ang biktima na noon ay tumatawid, inakala nito na ito ang nagnakaw sa kanya kaya’t bumaba ito ng sasakyan at walang awa na binaril hanggang sa mapatay ang binatilyo na kanya pang pinosasan at itinapon sa loob ng sasakyan.
- Latest