Kaso ni Cudia idudulog sa korte
MANILA, Philippines - Kung sakali’t mabigo ang apela na payagan na makasama sa mga magsisipagmartsa sa graduation ceremony sa Philippine Military Academy (PMA) sa Marso 16 si Cadet Jeff Aldrin Cudia ay nakahanda ang pamilya na idulog sa korte ang kaso.
Personal na nagtungo ang pamilya ni Cudia sa pangunguna ng ama nitong si Renato Cudia kasama si Public Attorneys Office (PAO) Chief Atty. Percida Acosta na nagsumite ng apela sa liderato ng AFP sa Camp Aguinaldo para mapabilang sa mga gagradweyt si Cudia.
Isinumite ng mga ito ang kanilang appeal memo kay AFP Deputy Chief of staff for Personnel (J1) Rear Admiral Philip Cacayan kung saan rerebyuhin ito ng kanilang Judge Advocate General’s Office (JAGO).
Una nang inihayag kahapon ng AFP na hindi na makakasama sa mga magsisipagtapos sa PMA Siklab Diwa Class 2014 si Cudia kasunod ng ipinalabas ng desisyon ng PMA Appeal ang Review Board na dismis na ito sa PMA kung saan ang endorsement ay naisumite na kay PaÂngulong Benigno Simeon Aquino III.
Sinabi ni Acosta na ayaw man nilang humantong sa husgado ang kaso ay wala silang magagawa kundi gawin ang nasabing hakbang para maibigay ang hustisya sa problemadong kadete.
“Kung ang batas may puso, tao pa kayaâ€, ang sabi ni Acosta na aminadong nahahabag sa kalagayan ni Cudia na masasayang ang apat na taong pagsisikap para makapagtapos sa premÂyadong akademya kapag nagkataon.
Binigyang diin ni Acosta na sapat ang parusang naranasan ni Cudia kung saan kabilang na rito ang pagkawala sa honor roll dahilan sa paglabag sa Honor Code.
Si Cudia ay dapat na magtapos bilang No. 2 sa top 10 at top sa Navy Class bukod pa sa pagiging Class Baron kung hindi umano ito nasangkot sa paglabag sa Honor Code ng mahuli ng 2 minuto sa isa sa klase nito kung saan hindi naibigan ng Honor Committee ang katwiran nito.
- Latest