^

Police Metro

Pag-aresto kay Delfin Lee balido

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-isyu ang Supreme Court (SC) ng  temporary restraining order (TRO) sa naging desis­yon ng  Court of Appeals (CA) na nagpapawalang bisa sa  arrest warrant ng negosyanteng si Delfin Lee kaya’t balido ang arrest warrant na inilabas ng   Pampanga Regional Trial Court Branch 42 kaugnay sa kasong syndicated estafa.

Inihayag ni Supreme Court-Public Information Office (SC-PIO) Chief Theodore Te na nagpalabas ng indefinite temporary restraining order (TRO) ang Third Division laban sa desisyon ng CA na na­ngangahulugan na may bisa pa rin ang arrest warrant kay Lee at maituturing na legal ang pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) Task Force Tugis noong nakaraang linggo. 

Magugunitang una nang naglabas ng TRO ang SC 2nd Division laban naman sa pagpigil sa pagdinig ng DOJ sa 2nd, 3rd at 4th complaint ng estafa laban kay Lee.

Si Lee na founder at presidente ng Globe Asia­tique Realty Holdings Corp., ay nahaharap sa kasong syndicated estafa dahil umano sa panloloko sa gobyerno ng  P6.6 bil­yon sa housing loan.

Matapos ang pagdinig ibinalik si Lee sa Pam­panga Provincial Jail.

CHIEF THEODORE TE

COURT OF APPEALS

DELFIN LEE

GLOBE ASIA

PAMPANGA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROVINCIAL JAIL

REALTY HOLDINGS CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with