^

Police Metro

Free education sa mga may kapansanan isinulong

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinulong ngayon nina Reps. Diosdado Macapagal Arroyo (2nd district ng Camarines Sur) at Gloria Macapagal Arroyo (2nd district ng Pampanga) na mabigyan ng libreng edukasyon sa pampublikong elementarya at high school  ang mga may kapansanan sa bansa.

Sa House bill 3037 na inihain ng ilang mambabatas, layunin nilang i-adopt at i-modify ang bagong curriculum na siyang aangkop para sa mga may kapansanan.

Nakasaad sa panukala, na sasailaim din sa trainings, seminars at workshop ang mga guro na siyang hahawak sa special classes para sa mga disabled persons.

Nais ng mag-inang Arroyo na magkaroon din ng mga makabagong gadgets, facilities at equipment para sa special education classes at iba pang mga teaching at learning materials upang masiguro ang full development ng mga estudyante.

Sa ilalim pa ng panukala, magkakaroon ng 5-member­ ­­team sa pangunguna ng district supervisor na siyang gagawa ng identification, screening at evaluation ng mga disabled person samantalang bawat eskwelahan ng distrito ay dapat mag-organisa ng special education base sa grouping, vertical at horizontal  accelerations. 

 

CAMARINES SUR

DIOSDADO MACAPAGAL ARROYO

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

ISINULONG

NAKASAAD

PAMPANGA

SA HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with