^

Police Metro

6 sugatan sa nasunog na barko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang barko na nakadaong sa pantalan sa Bacolod City ang nasunog na ikinasugat ng anim na tripulante kahapon ng umaga sa Negros Occidental.

Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Ronelo Ca­valcar, Deo Norico, Froilyn Sembrano; pawang residente ng Iloilo, Pedrito Mahinay ng Bacolod City, Inocencio Sarbido ng Cebu at Artemio Rosales ng Leyte na patuloy inoobserbahan sa Western Visayas Regional Hospital dahil sa pagkasunog sa mukha hanggang sa paa.

Sinasabing ilan sa mga biktima ay itinakbo sa pagamutan na wala ng mga saplot sa katawan na sanhi ng pagsabog at pagliyab na naganap sa isang bahagi ng barko

Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga nang bigla na lamang nagliyab kasunod ng pagsabog ang  SF Adventure Cargo Vessel na nakadaong sa  BREDCO Port.

Ayon sa ilang survivors, isang malakas na pagsabog ang narinig bago nagliyab ang isang bahagi ng engine room ng barko kung saan naroon ang mga biktima at  nagwe-welding.

Naagapan naman ang sunog bago pa kumalat sa buong barko na may mga kargang bakal at mga construction materials.

ADVENTURE CARGO VESSEL

ARTEMIO ROSALES

BACOLOD CITY

DEO NORICO

FROILYN SEMBRANO

INOCENCIO SARBIDO

NEGROS OCCIDENTAL

PEDRITO MAHINAY

RONELO CA

WESTERN VISAYAS REGIONAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with