P2-M reward sa nagturo kay Delfin Lee
MANILA, Philippines - Tatanggap ng P2 milÂyon ang isang tipster na naging dahilan nang pagkadakip sa wanted na negosÂyanteng si Delfin Lee na sangkot sa P6.6 bilyong Globe Asiatique housing scam noong Huwebes ng gabi sa isang hotel sa Maynila.
Tumanggi si Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng PNP–Public Information Office (PNP-PIO) na pangalanan ang tipster ni Lee para na rin sa sarili nitong seguridad kung saan patuloy na dumadaan sa masusing proseso bago maibigay dito ang kanyang reward.
Si Lee, may-ari ng Globe Asiatique Realty at apat na iba pa ay nahaharap sa kasong syndicated estafa na isinampa ng Justice Department kaugnay ng paggamit ng mga ‘ghost borrower’ para makakuha ng P6.6 bilÂyong loan mula sa PAG-IBIG Fund noong 2009.
Si Lee ay pansamantalang ikukulong sa pasilidad ng NBI–Pampanga habang itinakda na rin ng korte ang ‘arraignment’ sa kaso nitong syndicated estafa sa darating na Marso 10.
Bukod kay Lee ay paÂtuloy na tinutugis ang top 5 high profile fugitives na kinabibilangan nina retired Philippine Army General ret. Gen. Jovito Palparan; dating Dinagat Rep. Ruben Ecleo Jr., at ang magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at dati ring Coron Mayor Mario Reyes.
- Latest