Solon-Korapsyon sa Hudikatura ‘di napapansin
MANILA, Philippines - Hindi anya masyadong nabibigyan ng pansin ang mga nagaganap umanong korapsyon sa Hudikatura kaya’t hinikayat ni Oriental Mindoro Cong. Reynaldo Umali ang mga whistleblower na kung may nalalaman sa katiwalian ay ilantad nila ito.
Sa kanyang privilege speech sa Kamara para sa kanyang judicial reform advocacy ay
partikular na tinukoy ni Umali ang mga kontroÂbersyal na ‘flip flopped decisions’ ng Korte Suprema sa kaso ng League of Cities kung saan
nagÂkaroon na ng pinal na desisyon noong 2008 na nagdedeklarang unconstitutional, ngunit makalipas ang tatlong ‘flip flopping’ ay idineklara ring naaayon sa konstitusyon noong 2011.
Ang pagbawi din ng SC sa naging desisyon nito sa kaso ng Keppel Cebu Shipyard Inc. sa kabila ng final and executory na ang desisyon noong 2010 at nairekord na sa Book of Entries of Judgements
ay binuksan pa noong 2011 at nabago ang desisÂyon pabor sa nasabing kumpanya kung saan mula sa P329 milyon settlement para sa insurance
ay bumagsak sa P50 milyon na lang na mababa ng P279 milyon.
Nais rin ni Umali na suriin ng Kongreso ang Presidential Decree 1949 na lumikha sa JDF at tignan kung paano ito nagagamit salig sa kanilang
oversight power.
Maging ang panghihimasok ng SC sa kapangyarihan ng House of Representatives Electoral Tribunal ng desisyunan nito ang electoral case na inihain ni Lord Allan Velasco laban kay Marinduque Rep.
Regina Reyes.
Babala pa ni Umali na kung dedesisyunan ng SC ang panibagong petition for mandamus na inihain ni Velasco para atasan ang Kongreso na
panumpain si Velasco bilang tunay na kinatawan ng Marinduque at hindi ito sundin ay magdulot ito ng constitutional crisis.
- Latest