^

Police Metro

600 Pinoy namamatay sa rabies kada taon

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 600 katao sa bansa ang namamatay kada taon dahil sa rabies dahil sa paghihintay pa na dapat ay tatlong katao ang makagat ng hayop na may rabies bago ito bakunahan.

Ito ang inihayag ni Bulacan Rep. Gavini Pancho kaya’t sa kanyang panukalang batas ay hinihi­ling sa  mga pharmaceutical companies sa bansa na gumawa at magbenta ng special single packaging ng bakuna laban sa rabies.

Dahil sa kasalukuyan ang mga ospital ng gobyerno ay nagkakaloob ng libreng bakuna sa tatlong pasyenteng kinagat ng aso o anumang uri ng hayop.

Subalit, hindi umano  tamang maghintay pa ng dalawa pang makakagat bago bigyan ng bakuna ang isang pasyente.

Ayon sa solon may mali sa sistema kaya’t ikalima ang Pilipinas sa talaan ng World Health Organization (WHO) pagdating sa may maraming kaso ng tinatamaan ng rabies.

AYON

BULACAN REP

DAHIL

GAVINI PANCHO

PILIPINAS

SUBALIT

UMAABOT

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with