^

Police Metro

16 katao sugatan sa landmine attack

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang nasa 16 katao kabilang ang 11 sundalo at 5 sibilyan matapos masabugan ng dalawang insidente ng landmine ng mga New People’s Army (NPA) rebels sa Bansalan, Davao del Sur.

Batay sa ulat bandang alas-11:30 ng umaga noong Linggo  nang pasabugan ng landmine ng NPA Guerilla Front  51 ng Southern Mindanao Regional Committee ang tropa ng Army’s 39th Infantry Battalion (IB) na nauwi sa bakbakan na ikinasugat ng 11 sundalo.

Kinilala ang ilan sa mga nasugatan na sina Lt. Ian Roger Ngalew; mga kasamahan na nakilala sa mga apelyidong Cpl. Espina; Cpl. Imar; Pfc De Guzman; Pfc Adam; Pfc Mamalinta; Pvt. Gella; Pvt. Reynalda at iba pa.

Sa ulat ni Captain William Rodriguez, Civil Military Operations (CMO) Officer ng Army’s 1002nd Infantry Brigade (IB) na ang mga sundalo ay nagtungo sa Sitio Don Carlos, Brgy. Managa nang makasagupa ang mga rebeldeng komunista sa pamumuno ng isang alyas Ka Rangrang.

Matapos ang insidente, dakong alas-7:30 ng gabi ay nagpunta ang ambulansiya na kinalululanan ng mga sibilyang volunteers ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at Philippine National Red Cross (PNRC), para sunduin ang mga nasugatan sundalo at pagsapit   sa highway ng Sitio Tower, Brgy. Managa, Bansalan ay nasabugan din ito ng landmine na ikinasugat ng 5 sibilyan na sakay ng ambulansiya.

 

BANSALAN

BRGY

CAPTAIN WILLIAM RODRIGUEZ

CIVIL MILITARY OPERATIONS

GUERILLA FRONT

IAN ROGER NGALEW

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

KA RANGRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with