Mga kalahok sa 2014 manila bay seasports festival
MANILA, Philippines - Magiging kakaiba ang 2014 Manila Bay Seasports Festival dahil sa lalahok dito ang mga Olympian, Southeast Asian Games medalists, at miyembro ng World Champion Philippine National Dragon Boat Team na gaganapin sa ika-8 at 9 ng Marso sa Baywalk ng Roxas Boulevard sa ganap na alas-8:00 ng umaga.
Magtatagisan naman ng galing ang mga bangkero mula Batangas, Cavite, La Union, Pangasinan, Bacolod, Iloilo, Bulacan, Navotas, Ilocos Sur, Misamis Oriental, at lalawigan ng Quezon sa stock at formula races ng taunang bancathon.
Maglalaban sa dragon boat race ang mga koponan ng Philippine Air Force, Crimson Dragons, Amateur Paddlers Philippines, Rogue Pilipinas, Philippine Blue Phoenix, 1925 Paddlers Club, Philippine Coast Guard, Triton, Onslaught Racing Dragons, Rowers Club Philippines Sea Dragons, One Piece Drakon Sangress, Manila Ocean Park, PNP Maritime Group Patriots, Philippine Army, NTMA Dragon Boat Team, Adamson University Paddlers, Maharlika Dragon Boat Racers, at ang Dragons Republic Paddlers Club.
- Latest