^

Police Metro

3 parak sugatan sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang tatlong pulis makaraang tamba­ngan ng hindi pa mabilang na mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nage-escort sa mga opisyal ng City Environment and Natural Resources Office ( CENRO) kamakalawa sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur.

Ang mga nasugatang pulis ay kinilalang sina  PO2 Arwin Flores de la Cruz, PO2 Alejandrino Muyco Intas at PO1 Mark Sherwin Mercado; pa­wang nilalapatan na ng lunas sa D.O. Plaza Memorial Hospital.

Sa ulat, bandang alas- 2:15 ng hapon ay lulan ng Elf truck ang apat na pulis kasama ang mga opisyal ng CENRO at habang binabaybay ang  national highway ng Brgy. San Vicente, Barobo para magtungo sana sa Brgy. Gata upang inspeksyunin ang mga nakumpiskang troso  nang pagbabarilin ng maganap ang pag-ambush ng mga rebelde na ikinasugat ng tatlong pulis.

Agad namang nagsiatras ang mga rebelde matapos na makipagpalitan ng putok sa mga ito ang siyam na personnel ng 31st Regional Public Safety Company (RPSC).

ALEJANDRINO MUYCO INTAS

ARWIN FLORES

BAROBO

BRGY

CITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE

MARK SHERWIN MERCADO

NEW PEOPLE

PLAZA MEMORIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with