Paslit na nahulog sa escalator namatay
MANILA, Philippines - Idineklarang patay na ang isang 3-anyos na batang lalaki na nakaladkad ang kamay ng rubber hand rail ng escalator at nahulog mula sa ikalaÂwang palapag ng isang mall sa Binondo, Maynila.
Kahapon ng alas-7:40 ng umaga nang ideklarang patay sa Justice Jose Abad Santos GeÂneral Hospital (JJAGH) ang biktimang si Charles Ivan Pascual, ng no. 30-T Santiago St., Canumay Valenzuela City dahil sa tinamong crack sa ulo at bali ng braso.
Magugunita na noong nakalipas na Martes ng gabi nang isugod sa nasabing ospital ang bata matapos na mahulog sa ikalawang palapag ng escalator sa 999 Mall, sa Felipe St., Binondo, Maynila.
Nabatid na kasama ng biktima ang ina na si Melody, 38 at kapatid na si Jerrane, 9- anyos, nang matuon ang atensiyon ng ina sa pares ng sapatos at hindi namalayan na nagtungo ang biktima sa escalator kung saan ito nahila ng rubber hand rail at nahulog.
Nagsampa na ng reklamo ang mga magulang ng bata sa pamunuan ng mall.
- Latest