^

Police Metro

P-Noy hindi binasa ang speech ng kanyang mga writers

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Kung papansinin po n’yo, wala po akong teleprompter itong araw na ito. Hindi ko nagustuhan ang talumpating ginawa. Kaya pagpapasensyahan n’yo kung medyo paikot-ikot ang ating talumpati itong araw na ito dahil gusto kong malaman n’yong ga­ling po sa puso ito”.

Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Benigno S. Aquino III sa kanyang mensahe kahapon sa mga Cebuanos kaugnay sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power revolution na ginanap sa Cebu City.

Hindi na niya babasahin ang inihandang speech ng kanyang writers dahil sa hindi niya nagustuhan ang nilalaman nito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi binasa ni Pangulong Aquino ang inihandang speech nito ng kanyang mga wri­ters mula sa Presidential Communications Strategic Development Planning Office (PCSDPO) na binubuo ng speech writers group sa ilalim ng pamumuno ni Usec. Manolo Quezon at dating pinamumunuan ni Sec. Ricky Carandang na nagbitiw sa kanyang puwesto noong Disyembre.

AQUINO

BENIGNO S

CEBU CITY

CEBUANOS

MANOLO QUEZON

PANGULONG AQUINO

PEOPLE POWER

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS STRATEGIC DEVELOPMENT PLANNING OFFICE

RICKY CARANDANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with