^

Police Metro

Red alert sa EDSA People Power 1

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdeklara ng red alert status ang Armed Forces of the Philippines sa Metro Manila kaugnay ng paggunita ngayong araw  ng ika-28 taong ani­bersaryo ng Edsa People Power 1 Revolution.

Ang People’s Power Monument ay naging instrumento ng pagkakaisa ng mamamayang Pilipino, lider ng simbahan at iba pang grupong lumaban upang makamit ang demokrasya sa mapayapang rebolusyon noong Pebrero 25, 1986 o 28 taon na ang nakalilipas.

Ang People’s Power 1 ang nagpabagsak sa rehimen ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos na may 20 taong naghari sa bansa.

Nilinaw naman ni AFP-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Ramon Zagala II  na wala namang natatanggap na banta sa seguridad ang AFP  bagaman nais lamang nilang matiyak na magiging mapayapa ang selebrasyon ng EDSA People Power 1.

Gayunman hindi naman kabilang sa red alert ang mga JStaff personnel at Technical Staff sa Camp Aguinaldo at tanging ang Military Police K9, Explosives Ordinance Division at Headquarters Support Company at Headquartes Service Company.

 

ANG PEOPLE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP AGUINALDO

CHIEF LT

EDSA PEOPLE POWER

EXPLOSIVES ORDINANCE DIVISION

HEADQUARTERS SUPPORT COMPANY

HEADQUARTES SERVICE COMPANY

METRO MANILA

MILITARY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with