Mag-asawa kinatay, bahay sinunog
MANILA, Philippines - Kinatay muna ng dalaÂwang helper ang mag-asawang amo bago sinunog ang bahay ng mga ito na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sto. Domingo, San Vicente, Camarines Norte.
Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Romeo, 59 at misis nitong si Raquel Liwag, 57.
Ang mga suspek na pinaghahanap ng mga otoridad ang ay kinilaÂlang sina Romnick Iglesia, 25 anyos at Jonel Dasig, 24; pawang stay-in helper ng mag-asawa na nakitang tumatakas ilang minuto matapos madiskubre ang krimen.
Batay sa ulat, ganap na alas-6:56 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawa.
Malaki ang hinala ng pulisya na pagnanakaw ang dahilan ng pagpatay sa mag-asawa ng dalawa nilang helper matapos malaman na kumita ng P40,000 ang mga ito sa kanilang manukan.
Ang bangkay ni Romeo ay natagpuang tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa labas ng bahay nila. Habang ang misis nito ay halos natusta nang matagpuan sa loob ng bahay na sinunog ng mga suspek..
- Latest