^

Police Metro

46 dalaw ‘ikinulong’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikinulong umano o hindi pinauwi ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang may 46 dalaw sa Quezon Provincial Jail sa Lucena City, nabatid kahapon.

Ayon kay P/Supt. Allen Rae Co, hepe ng Lucena City PNP,  humingi ng tulong ang pamunuan ng  BJMP sa pulisya dahil sa hindi pagkakaintindihan ng mga kawani ng BJMP at mga preso.

Sa inisyal na ulat, bumisita ang 46-katao noong Sabado sa may 20-preso kung saan nilabag ng ito ang patakaran ng bilangguan na bawal magpatulog ng hindi preso sa naturang kulungan.

Hindi umano pinalabas ng mga guwardiya ng BJMP ang 46-katao kabilang ang 14 na bata, 27 kababaihan at 11 lalaki na pawang mga bisita na dumalaw sa kani-kanilang kaanak na nakakulong.

Bandang alas-4:30 ng hapon kahapon ay pinayagan na rin makalabas ng kulungan ang mga nabanggit na dalaw. -Ricky Tulipat, Michellle Zoleta at Arnell Ozaeta-

 

vuukle comment

ALLEN RAE CO

ARNELL OZAETA

AYON

BANDANG

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

IKINULONG

LUCENA CITY

MICHELLLE ZOLETA

QUEZON PROVINCIAL JAIL

RICKY TULIPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with